Nanay Dub, May pakiusap sa mga Taga-hanga ni Alden Richards! ANO KAYA ITO?

Labis na nag-init ang ulo ni Mary Ann Mendoza also known as Nanay Dub. Siya ang nanay ni Phenomenal Star Maine Mendoza na araw-araw naman nating napapanood sa Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga. Heto na nga, naga-lit si Nanay Dub dahil nabasa nito ang mga negatibong komento ng mga alipores o in other word mga Fans na hamog ni Pambansang Bae Alden Richards. Matatandaan na naospital ang dalaga dulot ng diarrhea at dehydration kung kayat hindi muna siya nasisilayan ngayon sa nasabing programa.

Subalit imbes na panalangin at concerns ang ibigay na komento ng mga Aldenatics ay puro pangungutya at pambabash ang kanilang sinasabi sa dalaga. Ayon sa isa sa aming nabasa sa twitter,

"Bakit hindi pa raw umano natuluyan ang dalaga. dapat daw ay nam@tay nalang ito."

"Di pa natuluyan si Malanding Bulok na babaitang iyan!"

"Sana wag kanang bumalik sa Eat Bulaga mas masaya pag wala ka! hahaha buti nga sayo"






Ganito ang mga mababasa mo sa mga social media accounts ng ilang Aldenatics! Hindi namin batid kung bakit malaki ang galit ng mga fans na ito kay Maine Mendoza. Mukhang malalim ang kanilang pinanghuhugutan. At na dahil sa mga negatibong mensahe na ito ng mga taga-hanga ni Tisoy ay hindi na naiwasan ni Nanay Dub na mag post ukol dito. Aniya,,,

"Magandang umaga po, Sa mga nagmamalasakit kay Meng Maraming salamat po.  Ok na po siya at nagpapahinga muna siya under our care.  Sa iba naman po stop spreading fake news to avoid confusions and to other issues.  Please Stop Bashing her, just spend your time supporting nalang whoever you wanted to, and dont drag her name sa mga bagay na hindi naman siya involve. Respeto lang po kahit kont! Salamat sa pang unawa. Have a peaceful thursday to everyone."

Una niyang pinasalamatan ang mga sumusuporta kay Maine at pangalawa ay ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon. At ang panghuli ay sa mga nangbabash kay Meng. Bagamat hindi niya ito minention kung sino pero alam na agad ng ADN kung sino ang mga tinutukoy ni Nanay Dub.