EB Host Hindi Nakapagpigil Inamin Ang Nangyari Sa Pagtagpo Nila Alden At Maine

Eat Bulaga Host Hindi Nakapagpigil Inamin Ang Nangyari Sa Pagtagpo Nila Alden Richards and Maine Mendoza.

Muling inaalala ng AlDub Nation ang Tamang Panahon kahapon Oktubre 24, ang unang tagpo nila Alden Richards at Maine Mendoza sa Philippine Arena noong 2015.

Nalungkot sila dahil hindi man lang naaalala ng Eat Bulaga ang ika-4 na anibersaryo sa nasabing okasyon.

Hindi rin buo ang AlDub kahapon dahil si Maine lang ang dumating sa APT studio at wala si Alden.

Hindi rin bumati si Menggay sa mga ADN kaya sinabi nilang tuluyan nang nakalimutan ng EB Dabarkads ang AlDub Tamang Panahon na nagbigay sa kanila ng kasaysayan.

Buti nalang may isa sa mga host ang nakaalala nito.

Others Reading now: Direktor Kwenestyon Ang Akting Ni Maine Mendoza Sa Isa Pa With Feelings?

Walang iba kundi si Allan K.

Sa kanyang Twitter account kagabi sinabi niya sa kanyang post na Four years ago today Tandang tanda ko pa sa philippine arena ang Eat Bulaga Maraming nagiyakan pati ako sa first time pagtatagpo ng Aldub Four hour show na walang commercial. Gumawa ng napakaraming records pati dito sa twitter Aldub fan pa rin pala ako forever yan!

Nang dahil sa nasabing post, marami ang nagpapasalamat sa komedyante.

Salamat kasi hindi niya nakalimutan ang nasabing history.

Malaking parte naman talaga si Allan sa buhay ng AlDub.

Siya kasi ang unang nakakita sa chemistry noon nila Alden at Maine kaya nabuo ang loveteam nila.

Marami man ang nagbago, ngunit they are thankful na ang taong ito ang hindi pa rin nakalimot at AlDub fan pa rin hanggang ngayon.

Samantala, dumepensa rin ang ilang fans sa hindi pagbati nila Alden at Maine.

Sabi nila, hindi naman siguro nakalimutan, nagkataon lang na busy sila ngayon sa kanilang project individually.

Si Menggay ay patuloy na nagpopromote sa pelikula niya with Carlo Aquino at si Tisoy naman ay busy sa teleserye niyang The Gift.

Others Reading now: Alden Richards Ginawa Pa Rin Ito Kay Maine Mendoza Dahil May Kinatakutan?