Kung Gagawin Lang Ito Nila Alden At Maine Ibabalik Ang ALDUB Ayon Sa Mga Taong Ito

Sa tuluyang pagbuwag sa loveteam nila Alden Richards at Maine Mendoza, marami ang nalungkot lalo na ang ALDUB Nation.

Marami man sa ngayon ang nakikipaglaban pa pero tila marami na rin ang nawalan ng pag-asa lalo na sa bagong loveteam na ginawa ng GMA network, ang DENLIE nila Alden at Julie Ann San Jose at ang MENGRU nila Maine at Ruru Madrid.

Nang dahil sa sitwasyon ngayon, tila natukoy na ng ilang netizens kung sino ang puno’t dulo sa nangyari.

MUST READ: Maine Mendoza Inipit Na Naman Ng Taong Ito Para Pumirma Ng Contract Sa GMA, Ang Katotohanan

Ang tinutukoy ngayon ng ilan ay ang diumano’y management ni Tisoy at handler ni Menggay.

Nagsimula ang kanilang kuro-kuro sa isyung ito matapos pumutok ang balitang may kondisyon pala ang team ng Asia’s Multimedia Star kung sakaling ibabalik ang ALDUB team-up.

Ibabalik lang ang tambalang ng dalawa kung pipirma ang phenomenal star ng contract sa channel 7.

Noon pa man sa kasagsagan ng ALDUB phenomenon ay gusto ng mangyari ito ngunit hindi lang talaga gusto ni Maine kaya hanggang ngayon ay walang nangyari.

Hindi naman masisisi ang dalaga kung ayaw niyang gawin ang pagpirma ng kontrata.

Una pa lang na teleserye nila Alden ay hindi na niya nagustuhan kung paano siya tratuhin.

Kaya talagang maintindihan siya sa kanyang desisyon.

Kung totoo ang balitang ito na kumakalat sa social media, then, posible na ipopursue ng management ang bagong tambalan na napagkasunduan.

Kung kayo ang tatanungin, ano ba ang dapat gawin ni Maine?

Samantala, narito ang ilan sa mga reaksyon ng fans matapos mabalitaan ito.

MUST READ: Maine Mendoza Hindi Na Tumanggi Kinumpleto Ang Kaarawan Ni Alden Richards Offcam